nagbabalik si badoy!

1 06 2009

susunod…

abangan nyo ang new post ko bukas… medyo busy sa bago kong propesyon at wala akong internet connection sa bahay kaya bihira akong mag-online pero bukas ipopost ko ang trip namin sa puerto galera at new happenings sa buhay ni badoy…





work, work, may work nako!

25 04 2009

update ko to sa monday pero the good news is may work nako full-time instructor sa mapua… so sa mga mapuans na reader ng blog ko… sa computer department ako na-assign so beware sakin… joke!

God is Good!





next level na!

13 04 2009

takot at kaba ang nararamdaman natin kapag pumupunta tau sa isang lugar na hindi natin alam or wala tayong kakilala sa bagong lugar na pupuntahan natin.. ganyan din ang pakiramdam ko ng una akong tumapak sa Malaysia.. iisa lang ang kakilala at walang kamalay malay sa mga batas, patakaran, salita, lengwahe at pagkain ng bansang ito..

ang bilis ng oras at takbo ng panahon.. naka 22 months ako sa malaysia at nagustuhan ko talaga manirahan dito.. dumami ang kaibagan, madaming natutunan at dito ako nag simulang mahilig sa pagbabasa ng libro.. bukod dito naituro rin sa akin sa mga panahon na ito, ang gawaing bahay gaya ng paglalaba, paglilinis, pagluluto, pamamalantsa, pag-aalaga sa sarili dahil bawal mag-kasakit.

nakita ko ang mga TOTOONG kaibigan ko na di ako iiwan sa pag-taas at pag-bagsak ko.. at nagpapasalamat ako sa kanila at sa inyo na hindi ako iniwan sa panahong bagsak ako..

91 hours from now, mag-sisimula ang bagong karerang kahaharapin ko.. isang bagong BADOY ang makikilala nyo.. iiwan ko muna pansamantala ang industriya ng IT at haharapin ang panibagong pag-subok sa industriya ng negosyo.. magiging entrepreneur ako at sa dami ng GOALS ko ay kailangan kong maging successful..

takot ako at kinakabahan sa mga susunod na hakbang ko sa aking buhay pero lahat naman ng mga successful na tao ay nagdaan sa pagbagsak ang kaibahan nga lang nila sa normal ay silang mga successful ay madaming pinagdaan na pagbagsak pero hindi sumuko hanggat di nila nakukuha ang gusto nila.. trial and error sa mga failures na nangyari sa buhay nila pero natuto sila sa mga failures na yun at ginawang challenges ang mga failures na ito..

wala namang imposible basta magsisipag ka lang at dika bibitaw sa itaas.. I TRUST HIM COMPLETELY and I KNOW ONE DAY ikwekwento ko sa inyo kung papano ako babangong at magiging panalo..

right now challenge sakin na mabayaraan ang one million pesos na utang ko sa bangko.. isipin nyo lahat na mas mayaman kayo ng isang milyon sakin kasi negative ako ngayon pero mababayaran ko yan in 2 years time.. I AM VERY POSITIVE on this! at achievable pa rin ang 10 million pesos target na net worth ko when i reached my 30th birthday (5 years from now).

simula sa araw na ito, maririnig nyo ang bagong kumpanya na ako ang nagtatag at mamumuno ang BADOI ORGANIZATION.. ilang buwan mula ngayon papalakihin ko ang kumpanyang ito at makukuha ko ang mga pangarap na sinet ko sa utak ko mula pagkabata ako..

AJA! AJA! AJA!





all about busyness

9 04 2009

i only have 8 days left in malaysia and after that asa pilipinas na ulit ako.. wala pa rin akong work na nahahanap at wala pa rin tumatawag sa mga sinendan kong resume thru jobstreet, jobsdb, monster, matador at mga agents na naging friends ko na dahil sa pangungulit ko sa kanila..

sa loob ng anim na linggo kong petiks ay namanage kong matapos ang mga libro ni adam khoo.. mga dahil apat na business book nya ang natapos ko at isang self-help book na sisimulan ko palang basahin next week. inuulit ko ulit basahin ang libro ni john maxwell na MAXWELL DAILY READER parang bible ito ng mga gustong maging managers at leaders like me. natapos ko rin ang isang book ni donal trump na THINK BIG..

with everything that i know now in Business i think i am ready to own a business.. sabi ko nga sa mga kaibigan ko

kung walang work ngayon e di ako ang gagawa ng work

since i was little i am already exposed in business coz my parents still own a small grocery store or sari-sari store in tagalog. biruin mo, 23 years na ang sari-sari store namin na nagpaaral sakin sa mapua high school at college.. at dun kame kumuha ng pang-kabuhayan at pambili ng ang mga needs.. ang lola at lolo ko rin naman ay may negosyo rin na restauran kaya talagang buong childhood ko ay very exposed ako sa takbo ng negosyo at kung paano kumita ng pera.

naalala kong nagtinda kame ng samalamig sa restauran ng lola ko nung elementary ako para kumita ng extrang pera.. nasubukan ko rin ang pag-titinda ng barbeque sa kanto namin at talagang mahirap mag-paypay at mag-aamoy barbeque ka pero sulit naman dahil may pambili ako ng puting papel sa national bookstore at gamit sa skul dahil hindi ako binibigyan ng extrang pera ng magulang ko nung bata kame.. sabi kasi nila

kung may gusto kaming makuha sa buhay dapat gawan namin ng paraan at paghirapan

na try ko rin kalabanin ang school canteen namin nung grade 3 ako at may dala dala akong ibat-ibang kendi sa school at binibili ng mga kaklase ko at binibigyan ko na lang ng chocolate ang guro namin para di umangal sa extra business ko nung bata. nung high school naman medyo big time nako at nagtitinda ako ng sandwitch at tutubo ako ng dalawang piso kada sadwitch! nung college nag tinda ako ng plantsa sa buhok at kumit rin ako ng halos isang libo.

suma-sali rin ako sa mga contest twing linggo ng wika para manalo ng pera.. at ang pinakamalaki kong deal ay nung nagtinda ako ng tshirt sa school outing namin..

bata palang ako talagang nasa dugo ko na ang business hindi ko lang napansin nung pumasok ako sa isang malaking kumpanya nung nagsimula ako. gaya ng ibang kabataan pangarap natin ang makapagtrabaho sa malaking kumpanya at pumasok ng 8am to 6pm.. pero ngayon ibang linya naman ang gagawin ko at alam kong dito ako pamilyar sa numero at negosyo.. hindi ako mahiyain pagdating sa pagbebenta at pag-aalok sa tao..

sana magtagumpay ako.. pray nyo ko! ipopost ko kung ano ang magiging negosyo ko next week nag aaral pa rin ako kung ano ang magandang negosyo.

off-topic:

namimiss ko ng kumain sa HONGKONG FRIED NOODLES sa pinas ito ang una kong kakainin pagdating ko. ano ba ang masarap sa tatlong ito?

a. THE NOODLE HOUSE (Hongkong Fried Noodle Style)
b. HONGKONG NOODLE FACTORY
c. HONGKONG STYLE NOODLES & DIMSUM

prospect ko kasi mag franchise nito given a good location… any franchising tips mga kablog? Tsaka FEEDBACK naman sa mga noodle house na ito kung alin ang pinakamasarap syempre dapat di nag susuffer ang quality ng food putri mura sya… THANKS!





twing umuulan

2 04 2009

kapag sumasakit ang ulo ko sa taas pihado ako na uulan.. kagabi pa ang sakit-sakit ng ulo ko na parang binibiyak at tanging pain reliever lang ang katapat nito! salamat sa katinko, yung kulay green na galing sa mga suking itsik natin sa ongpin..

papungas pungas pako ako gumising kanina dahil ang sarap ng tulog ko twing umuulan at lamig na lamig ka…

tigas na tigas tuloy ang aking t*** pagkagising..

sa tren station, matutuwa ka dahil konti ang tao ganun din pag dating ng opis mo dahil halos lahat ng ka opisina mo ay naka sick leave… teorya ko, na kapag umuulan napapasarap ng tulog sila at tinatamad pumasok kaya nag sisick leave na lang… minsan kasi ganun ako hahaha!

bulung bulungan dito na sa september pa raw or sa third quarter ng taon magsisimulang matitigil ang freeze hiring na ito.. nakakalungkot at baka kahit anong work muna papasukin ko pag umuwi ako sa pinas ng hindi mabakante..

atleast feeling bankable ako… lol!

nakabalita pa naman ako na yung nawalan ng work dito nakahanap kagad ng work sa pinas tapos after nya freeze hiring na! timing nga naman at swerte, may tao lang na swerte pero naniniwala rin ako na

“the harder you work, the luckier you get”

so keep on trying lang tsaka yung mga masweswerteng tao na yan pihado ko sang katutak na malas ang nagdaan sa buhay nila bago nila nakamit yun… sabi nga nila

“preparation meets opportunity”

so kailangan ko lang maging prepared para pag dumating na yung time na yun ready nako..

fail early, fail often, but always fail forward. Turn your mistakes into stepping-stones for success.

off-topic:

sino gumagamit ng globe tatoo? mas okay ba yun kesa sa smart prepaid kit?





suntok sa kawalan

30 03 2009
photo credit to Yel Legasti

photo credit to Yel Legasti

 

hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng mga girls lalo na sa usaping pag-sisinungaling.. nung nakaraan araw nag-karoon ng world war sa pagitan naming dalawa ni bebeko.. bugbog sarado na naman ako.. wala panaman si manny pacquiao sa sampal, kurot, hampas, palo at pati buckle ng sinturon lumapat sa akin mukha.. knock-out ako!

hindi makapag-explain at basang basa na ako kapag nagsisingungaling!

kawawang mukha!

kawawang badoy!





salamat doc

24 03 2009

minsan ang buhay parang teleserye lang…

parang movie na complicated, may comedy, drama, action, suspense, love story at bed scene!

nag text ang pinsan ko at sabi nya

“wala nakong sakit, sabi ng doctor mali yung unang results”

akalain mo nagkakamali din pala ang mga doktor sa pagbibigay ng resulta.. parang sinabi nya lang na sorry tao din ako at nagkakamali…

napaka unprofessional!

sa ilang taon na pagdadalubhasa na ginawa nila sa medisina nagkakamali pa rin pala ang mga gaya nila.. hindi ako makapaniwala sa perwisyong ginawa nila.. pasintabi sa mga doctor pero nawalan akong respeto sa doctor na iyon..

madaming luha, lungkot, hirap at drama ang dinanas ng pamilya ko dahil sa sinabi nya tapos ngayon nagkamali pala sya..

$$^&@$#&#*$^^^*(**#$# niya!

pero on the lighter note, atleast binawi nya ang sinabi nya at pinangatawanan nyang nagkamali sya at dun ako humanga sa kanya na kahit alam nyang pwede syang mawalang ng lisensya sinabi pa rin nya ang totoo..

honesty is the best policy!

masaya kame kasi may bagong bukas na darating sa pinsan ko atleast di na sya mag wowory at mag-iisip siguro si papa God na rin ang gumawa ng miracle na to para maayos ang lahat sana ako din yung hiling ko tuparin na rin nya…

sabi nga nila everything happen for a reason.. learning opportunity na naman ito for us..





tsismis sa ebahay ni badoy

19 03 2009

ang buhay parang gulong, nasusunog din!

Parang kailan lang
Ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin
Dahil sa inyo, napunta ako sa aking nais marating
Nais ko kayong pasalamatan kahit man lamang isang awitin

21 months nako sa malaysia at next month sa ikaw 22th month ko rito uuwi muna ako ng pinas actually naka plan na uuwi talaga ako on the 18th April due to the fact na ikakasal ang bestfriend ko na taga singapore at ako ang beast bestman pero parang nakaplano pag bili ko palang ng tiket nung november 2008… hehehe! sale e kaya early booking ako… usually kasi nauwi ako every 3 or 4 months para naman di ako mamiss ng mga mahal ko sa buhay at maki balita sa mga kamag-anakan at kaibigan na naiwan ko sa pilipinas.

ang haba ng segway.. wag kang maki alam!

kahapon may tumawag na naman na work pero as usual wala pa rin schedule ng job interview.. chikahan portion lang.. tanungan ng job description, dahilan ng pag-alis sa trabaho, magkano ang kasalukuyang sweldo at inaasahang sweldo.. courtesy pala ito ni umleo23 or also known as Leonard Allan Bayot, tinulungan ako at pag natanggap ako sa trabahong ito ay magkakaroon sya ng…

** drumroll sound effect

wag nyo isipin na tinulungan nya ako dahil sa referral fee dahil mayaman yan si Don Leo during your down time makakita ka ng mga taong tutulong sayo para umakyat uli at isa sya sa mga taong yun! salamat parekoy! kung lahat lang tayo walang crab mentality e di malamang isang mayaman na bansa na rin ang pilipinas at di na namin kailangan pumunta pa sa ibang bansa para lang kumita ng pera. :(

siguro karma ko na ito dati kasi pila-pila ang mga work na nag-aabang sakin tapos pipili lang ako ng malaki ang sweldo kahit maging sirkero pa ako at yun ang tatangapin ko ngayon out of 50 emails na sinendan ko at hindi pa kasama ang mga referrals ng mga blogger friends at close friends ko wala pa ring natawag.. take note, twice a week din akong mag-update sa sinendan ko para makulitan sila at pansinin nila ang email ko.

patience! patience! patience!

may isang buwan pa naman ako at naayos ko na rin naman ang mga dapat ayusin dito, mag-papack na rin ako ng gamit ko this week para iuwi ang sandamukal na gamit na naipon ko sa malaysia.. nakakalungkot isipin na magtatapos na naman ang isang kabanata ng buhay ko pero na eexcite rin ako sa susunod na mangyayari, malay natin maging taga dildil ako ng asin, or magsasaka or basurero sa south korea. okay lang sakin as long na mataas ang sweldo.

on the contrary, natatakot na rin ang dalawang pinoy na kasamahan ko dito dahil wala rin silang ginagawa until now at naghahanap na rin sila ng work dahil nga feeling nila sila na ang isusunod.. e di nagkita kita rin kame sa finals.. ako lang ang unang na evict! hehehe!

maghawak hawak tayo ng kamay, iwagayway at manalangin na sana makahanap nako ng work kung sa singapore mas maganda at guguluhin ko ang buhay ng dalawang pinoy blogger na andun na sina gasdude at umleo23. ngayon ko lang na feel na napakahirap pala ng mawalan ng work though technically may sweldo pako until MAY pero i can feel na masakit sa ulo lalo pag-iniisip mo.. iba rin ang feeling na ma-evict akala mo galit sila sayo or pinersonal ka nila.

i take this as a challenge, learning experience, tuition paid, detour at opportunity for growth.  kung failure man ito sa iba atleast failing forward ako at i take it positively and i share this momentum opportunity with my friends like you na keep on reading may post kahit lurker ka pa at di nag-iiwan ng comments.  :D

off-topic:

panorin nyo ang Taken, superb! galing! suspense-action movie sya parang mission impossible..





Dear Mommy

17 03 2009

Dear Mommy,

I am in Heaven now, sitting on Jesus’ lap. He loves me and cries with me; for my heart has been broken. I so wanted to be your little girl. I don’t quite understand what has happened. I was so excited when I began realizing my existance. I was in a dark, yet comfortable place. I saw I had fingers and toes. I was pretty far along in my developing, yet not near ready to leave my surroundings. I spent most of my time thinking or sleeping. Even from my earliest days, I felt a special bonding between you and me. Sometimes I heard you crying and I cried with you. Sometimes you would yell or scream, then cry. I heard Daddy yelling back. I was sad, and hoped you would be better soon. I wondered why you cried so much. One day you cried almost all of the day. I hurt for you. I couldn’t imagine why you were so unhappy. That same day, the most horrible thing happened. A very mean monster came into that warm, comfortable place I was in. I was so scared, I began screaming, but you never once tried to help me. Maybe you never heard me. The monster got closer and closer as I was screaming and screaming, “Mommy, Mommy, help me please; Mommy, help me.” Complete terror is all I felt. I screamed and screamed until I thought I couldn’t anymore. Then the monster started ripping my arms off. It hurt so bad; the pain I can never explain. It didn’t stop. Oh, how I begged it to stop. I screamed in horror as it ripped my leg off. Though I was in such complete pain, I was dying. I knew I would never see your face or hear you say how much you love me. I wanted to make all your tears go away. I had so many plans to make you happy. Now I couldn’t; all my dreams were shattered. Though I was in utter pain and horror, I felt the pain of my heart breaking, above all. I wanted more than anything to be your daughter. No use now, for I was dying a painful death. I could only imagine the terrible things that they had done to you. I wanted to tell you that I love you before I was gone, but I didn’t know the words you could understand. And soon, I no longer had the breath to say them; I was dead.I felt myself rising. I was being carried by a huge angel into a big beautiful place. I was still crying, but the physical pain was gone. The angel took me to Jesus and set me on His lap. He said He loved me, and He was my Father. Then I was happy. I asked Him what the thing was that killed me. He answered, “Abortion. I am sorry, my child; for I know how it feels.” I don’t know what abortion is; I guess that’s the name of the monster. I’m writing to say that I love you and to tell you how much I wanted to be your little girl. I tried very hard to live. I wanted to live. I had the will, but I couldn’t; the monster was too powerful. It sucked my arms and legs off and finally got all of me. It was impossible to live. I just wanted you to know I tried to stay with you. I didn’t want to die. Also, Mommy, please watch out for that abortion monster. Mommy, I love you and I would hate for you to go through the kind of pain I did. Please be careful.

Love,
Your Baby Girl





help anyone

14 03 2009

question: sino may alam maglagay ng macro sa microsoft excel? I want to create a log-in, log-out system and then compute the duration per user using microsoft excel application. Its synonymous with the internet business log-in, log-out. I learned from someone that its all macro… pag alam nyo turo nyo sakin or kung meron na kayo patingin naman pag-aralan ko lang…

Thanks in advance!