tulala! wala sa sarili… ganyan si alex kapag may problema halatang halata sa mukha niya kapag may iniisip at may problema sya sa bahay…malamang inaway na naman ng tatay nya ang nanay nya kaya malungkot ang binata… dinampot niya ang cellphone tinignan kung may mensaheng dumating pero walang bagong mensahe kaya pinatay ang cellphone at binuksan ulit nagbabakasakaling nagloloko ang signal at hindi pa dumarating ang inaasahan nyang mensahe…
isang malakas na bell ang tumunog…
alas kwatro na pala, simula na naman ng kanyang klase… nagsidatingan na ang kanyang mga studyante mag sisimula na syang magturo pero dahil wala syang ganang magturo at ngayon nag bigay na lang sya ng pagsasanay sa kanyang mga studyante…
yan si alex, dalawang put isang taong gulang… graduate ng apat na taon na kurso sa isang de-kalibreng eskwelahan sa u-belt, matalino, matangkad, athletic, tahimik, at gwapo. isa syang teacher sa isang universidad sa manila. at ngayon ay single dahil break na sila ng kanyang kasintahan na si josephine.
“sir, exercise na naman?” sabi ng studyante ni alex.
“ayaw mo? e di wag ka gumawa, youre free to leave if you dont want to take your quiz” sabi ng batang professor.
masungit at wala sa mood makipag lokohan sa mga studyante nya si alex. nakaramdam ng konting takot ang mga bata kay alex sapagkat ngayon lang nila nakita ito na medyo masungit at wala sa mood makipag lokohan sa kanila… naintindihan na kaagad ng mga studyante na seryoso ang kanilang guro…
nag-ring ang cellphone, dali-dali itong sinagot ni alex…
“o, pare! kumusta?” sabi ni alex.
“tara gimik tayo mamaya? libre ka ba?” sabi ng kausap sa cellphone
“OO, pare anytime basta ikaw!” sabi ni alex
“pare may lagnat ka ba? himala ngayon ka lang sasama samin mag inuman ng gabi! o basta alas nuebe sa cubao ok?” sabi ng kausap sa cellphone
S U S U N O D. . . .


salamat kay
salamat kay 

Wat is bss?
kakatakot naman ang entry na to. nakakapangilabot! nagtayuan ang mga balahibo ko, pramis!
hindi ako makapaniwala sa plot ng storya. ang ganda ng twist! nakaka-nerbyos!
mb: diko alam kung nang iinis ka maru, pero natawa ako sa comments mo para kasing may twist yung comment mo e…
ang ending ay uminom sila sa cubao?
lols
mb: hindi sila uminom sa cubao sa pasig sila uminom… basta may part 2 at 3 pa…
love story ba ito?hahahah..kumusta naman?
mb: love story nga yan…
mahal ni alex ang pare nya
mb: trudis hindi yan yung bestfriend mo si ***, iba story to! hehehe!
masakit sa puson.. abangan ang susunod na kabanata