Ang nakaraan link
Bihis na bihis at mabango pa si alex pero dahil sa amoy ng usok ng mga sasakyan sa kahabaan ng aurora bulevard ay nangamoy usok at pabango ang kanyang damit. alas otso pa lang ng nag paalam sya sa mahal nyang ina na gigimik lang sya ngayon tutal biyernes naman ngayon at wala siyang pasok twing sabado.
**poot…pooot…** tunog ng jeep na humuhudyat para gumalaw ang kotseng nasa harapan nito.
“trapik na naman papuntang cubao, potah! dapat nag LRT na lang ako” wika ni Alex.
Bumaba sya sa lrt sa cubao at dumiresto muna sa starbucks para mag intay sa barkada nyang si Richard. Matagal na di nasasama si Alex sa barkada ni Richard sapagkat masyado siyang naka atensyon sa kanyang kasintahang si Josephine. Maya maya pa’t dumating na ang iniintay ni Alex na si Richard.
“tang-ina mo kanina pako dito! libre moko ng drinks! bihis na bihis ka san ba binyag?” sabi ni Alex
“GAGO! naghanap pako ng parking pare, walang maparkingan e… san ba tayo pupunta?” wika naman ni Richard
“san ba bago, inuman syempre tapos pag wala tayong babaeng maiuwi e di tambay tayo sa quezon ave madaming babae dun! hahahaha” sabi ni Alex
“himala pare! hiwalay na kayo ni Josephine kaya ba ang lakas ng loob mo ngayon?” sabi ni Richard
“OO, break na kame! one week na rin akala ko mag kakaayos pa. Siguro ganun talaga ang buhay! Madami pa namang babae dyan at mas maganda pa sa kanya. Tignan mo baka mamaya may bago nakong syota.” sabi ni Alex
Nagtawan ang mag-kaibigan.
Hit-hit buga, hit-hit buga ang dalawa na animo’y contest sa padamihan ng mauubos na sticks ng yosi. Normal sa dalawa na kapag nagkakape masarap na kapartner nito ang sigarilyo. Alas dyes y medya na ng nagdesisyon na silang tumungo sa Timog para uminom ng beer at sumayaw. Pagdating sa timog naghanap sila ng parking at tumungo sa paboritong bar ng barkada. Andun na ang dalawang lalaking barkada pa nila si Red at JC na kasama ang dalawang pinsan nya na si Ava at Ina.
“Pare kumusta na? Long time no see a! Pare si Ava at Ina, pinsan ko.” sambit ni JC.
“Pare mukang dimo pinsan kasi ang gaganda…Joke lang!” sabi ni Alex.
**tumawa lang ang dalawang babae**
“ano order pare? Beer ba o Hard?” sabi ni Red
“kanina pa nga ako HARD pare! este, gusto nyo tequilla na lang tayo?” sabi ni Richard
S U S U N O D


salamat kay
salamat kay 

nasan na ang kendi 3